An Open Letter for You

Dear Self,

How are you? I’m sure ang isasagot mo sa akin ay okey lang. Pero okey ka nga lang ba talaga? Madami ka masyadong ginagawa ngayon ah..kaya mo pa ba? Nahihirapan ka ba? Nandito lang naman ako sa isang tabi para sayo, kaso nakakalimutan mo nga lang ako. Palagi mo kasi iniisip ang ibang tao kesa sa akin. Minsan nga hindi ka na kumakain kasi mas iniisip mo pa sila bago ka kumain, kailangan matapos ang ganito, ang ganyan..at di kalaunan, mauupo ka at dun mo lang ako maiisip. Nalulungkot ako, kapag nalulungkot ka, alam kong masyado kang madaming iniisip sa mga panahon na to pero sana isipin mo din ako. Kahit hindi mo ako masyadong pinapansin, alam kong sasabihin mo sa akin na mahal mo pa din naman ako.

Batid ko din na madaming taong nananakit sayo ngayon, nasasaktan ako na ganyan sila ngayon sayo. Ikaw naman kasi, masyado kang mabait. Tigilan mo na ang paniniwala na kapag mabait ka sa ibang tao ay magiging mabait din sila sayo. HINDI TOTOO YUN. Huwag ka din kasi masyado mapagtiwala, ang problema kasi sayo kapag nakampante ka sa isang tao halos ibukas mo na lahat ng chapters ng buhay mo. Kung pwede nga lang humiwalay sayo e, siguro masasabunutan kita. Pero hindi kita aawayin kasi mahal kita. 🙂 Alam kong pagod ka na, pagod na pagod na pagod ka na. Magpahinga din paminsan minsan ha? ang totoo madami naman nagpapaalala sayo e, ikaw lang itong matigas ang ulo. Ewan ko ba naman kasi sayo. May nakuha pa pala akong ebidensya kaya hindi ka okey, sinulatan ka pa nya, eto sabi:

“Matagal mo din akong laging inaalala, pinaglaanan ng oras at ng lakas, lagi mo akong iniisip kahit na madami kang ginagawa, namamayat ka na dahil hindi ka nakakakain dahil sakin, sorry ha? kailangan mo kasi akong paglaanan ng panahon, para sayo din naman e at gusto mo din naman kasi. Pero dahil tapos na ang lahat sa atin, makakamove on ka na din. Hindi na kita guguluhin at hindi ka na maaabala pa dahil sa akin. Sana maging masaya ka na sa susunod na papalit sa akin, wag ka sana mapagod at mastress masyado. Kinaya mo ako, alam kong kakayanin mo ang mga dadating pa.”

Nagmamahal,
Term Paper 

Ayan o, ano ang peg? term paper pa more? Alam kong madami ka pang dapat gawin kaya kailangan mong maging mas malakas. Hayaan mo na ang mga taong nag iisip ng hindi maganda sayo, lalo ka lang masstress dahil sa kanila. Tandaan mo na dapat lagi kang maganda at mabango, wag mong hayaan na kapag nakita ka nila ay hindi sila mabebless sayo. Ang ganda ganda mo kayang nilalang, remember: You are fearfully and wonderfully made by God. And you are special, God has designed you for a greater purpose so kapit lang. Never give up. Jesus is a wounded healer, you, you are a comforter that also needs to be comforted and walang masyadong nakakaalam nun kundi ako lang. Anyway, malakas naman tayo kaya keri lang. Alam mo bang bilib na bilib ako sayo? You are what you are right now because of the things that you have been through. Madaming bagyo ka nang nalampasan, mas madami pang darating at alam kong kayang kaya mo yan. Ikaw pa 🙂

Kaya sa tuwing malulungkot ka, basahin mo lang ang sulat ko na to para sayo. Gusto kong makita mo na hindi mo deserve ang mahirapan, masaktan, malungkot o ang saksakin pa ng ibang tao sa likod. You are precious in God’s sight. Remain focused. Wag papadala sa mga discouragements, matibay ka na at malakas, walang bagay ang hindi mo kakayanin. Lagi kang ngumiti at maging mabuti sa iba kahit na hindi sila maging mabuti sa iyo. At the end of the day, malalaman nila na naging mabuti at masama man sila sayo ay hindi ka nagbago na maging mabuti sa kanila. Mahal kita. Wag mong pababayaan ang sarili mo. Alam kong lahat ng iyong pagpapagal ay nakikita ng Dios at Siya na ang bahalang magbalik noon sayo. Kapit lang. Pag natapos ang unos, palaging may kasunod na bahaghari, meaning ang pangako ng Dios kay Noe ay para din sayo. You will never suffer a great storm again. Kapit lang. Mahal kita.
Nagmamahal,
Other self

 

 

Thank You God

…Thanking God for everything
is not enough until you know its real meaning
It’s not words that will come out from our mouth
it’s an expression of faith without a doubt
it’s being happy despite of loneliness
not hypocrisy in hopelessness
It’s an open heart to God’s comforting love
accepting His grace despite of what we have
Thanking God through pain and tears
is more audible to His ears
With a heart full of humble worship and tribute
He will liberate us with His Mighty truth.

“Walang dios sa Church”

VESPER CHOIR PRACTICE
Isang malayang kwentuhan kasama ang mag asawang tatay Eller at nanay Aida.

Isang sabado, araw ng choir practice, habang naghihintay ng meryenda matapos ang practice. Nakwento ng mag asawa sa akin ang tungkol sa anak nung ito daw ay nasa 3-4 na taong gulang pa lamang. Si nanay Aida ay isang Roman Catholic, si tatay Eller ay isang Methodist ay ang anak nilang babae ay kadalasang sumasama kay nanay Aida para magsimba.
Minsan isinama ni tatay Eller ang anak nila ni nanay Aida sa church, dahil Christian church walang santong rebulto o kahit na anumang imahe na nakita ang bata. Nagtanong ang bata sa kanyang tatay..

“Bakit po walang Dios sa church nyo tay?” tanong ng bata.

Natawa ako sa kwento ng mag asawa tungkol sa kanilang anak. Natawa din sila, syempre alam naman namin na ang ibig sabihin ng bata ay ang mga rebultong nakikita niya sa Catholic Church. Pero napaisip ako…

Kung sasagutin ko ang bata nang pagkakataong yun, paano ko kaya siya sasagutin? Sapat na kaya ang isang krus at ang nakabukas na bibliya para sabihin sa bata na may Dios ang church? Paano kaya mararamdaman ng bata na may Dios sa church? Maniwala kaya siya sa akin na may Dios ang church na hindi nakikita?

Isang paalala ang tanong ng bata para sa akin, mayroon tayong isang tunay Dios na hindi
nakikita, tungkulin nating iparamdam at ipakita sa iba na may Dios sa church natin at sa ating mga buhay bilang mga Kristiyano.

_credits to Tadeo Couple

Chinelas

18879783_1972073529694743_4143462556561833984_n
…Katanghaliang tapat ng araw na iyon at nakasakay ako sa isang jeep papuntang SM Taytay, tagaktak na ako sa pawis sa sobrang init. Hindi naman sobrang sikip sa loob ng jeep ngunit napakainit. Maya maya, napansin ko ang isang mama na may dalang flier, bag na parang lagayan ng mga papeles at payong. Weird para sa akin ang itsura nya kasi nakajacket sya sa katanghaliang tapat, bukod dun nagssmile sya sakin.

…Papunta nga pala ako ng araw na yun sa SM Taytay dahil may bibilhin ako sa National Bookstore, malapit lapit na ang jeep na sinasakyan ko nang maya maya ay may sumakay na isang batang badjao na babae na talamak ngayon sa dakong Taytay. Nakatatlong batang badjao ata ang umakyat sa jeep na yun para mag abot ng mga sobre, at pangatlo ang batang babae na yun. Walang naglagay ng barya sa sobre nya. Ako din hindi ako naglagay, kung may baon sana akong biskwit, yun ang ibibigay ko sa kanya..kaso wala. Naupo ang batang babae sa jeep at hinihintay na tumigil ito, medyo malapit sa akin ang bata kaya naaamoy ko pa ang di kaaya aya niyang amoy. Nagulat na lang ako nang tabihan siya ng mamang weird at kausapin. “Neng, naniniwala ka ba kay Jesus?” narinig kong tanong nung mama. Umiling lang ang bata na hindi ko alam kung sinasabi ba niyang hindi o hindi niya kilala si Jesus. Maya maya narinig ko pa ang pagkausap ng mama, “Neng si Jesus ay Dios, mahal ka ni Jesus” Namangha at nagtaka ako sa paraan ng pagkausap ng mama sa batang badjao sabi pa niya “maya sama ka sa akin ha? bibili tayo ng tsinelas mo” Hindi ko alam kung saan sila pupunta para bumili, ngunit nung tumigil na ang jeep sa SM Taytay bumaba ang mama at ang badjao, bumaba din ako dahil dun naman talaga ako pupunta. Gusto ko sila sundan ngunit may dapat din ako gawin.

…Nung nabili ko na ang dapat kong bilhin sa National Bookstore, nakaramdam ako ng gutom at tumigil ako sa Mcdo para umorder ng pagkain. Nagulat ako at natuwa dahil nakita ko ulit ang weird na mama at ang batang badjao, nasa Mcdo na sila ngayon at oorder din ng pagkain. Nakita ko din na bago na ang tsinelas ng batang badjao, kulay pink na gusto ng karamihan ng mga batang babae. Naisip ko na buti at pinapasok sila ng gwardiya ng mall, naisip ko na baka may gawing masama yung mamang weird sa batang badjao, naisip ko na bakit kaya ginawa ng mama yun? Hindi naman mukhang mayaman o may kaya ang mama na yun ngunit nagawa niya pa ding magkawang gawa sa batang hindi naman niya kakilala o kaanu ano. Naisip ko na sana umuwing masaya at ligtas ang batang badjao. Naisip ko na sana ay mali ako sa panghuhusga sa itsura ng mama na yun.

…Nakaramdam ako ng hiya sa sarili ko habang tinitingnan ko ang mama at ang batang badjao. Tinitingnan din sila ng ibang mga tao na parang nagtataka din. Mahirap din ang mama na yun sa palagay ko ngunit nagawa pa niyang ibahagi sa batang yun ang mayroon siya. Nakakapangliit sa sarili ko, isa akong lingkod ng Dios at alagad ng simbahan ngunit hindi ko man lang magawa ang nagawa ng mama na yun. Wala akong nagawa kundi mag isip ng hindi maganda sa aking kapwa. Wala akong nagawa kundi manghusga. Kailan ko ba naibahagi nang ganun katapang si Kristo sa iba? Kailan ko ba isinantabi ang maaaring isipin ng ibang tao tungkol sa akin? Kailan ba ako nagpakaweird para kay Kristo kagaya ng mama na yun?

Let’s Meet at Zero

300px-Cartesian_coordinates_2D.svg
I am not good at math nor calculating complicated formulas
But I don’t hate math, I don’t love it either
Sometimes it makes me crazy, sometimes it makes me lazy
But as I was solving the geometry, I saw us in the symmetry

You are the Y axis, I am the X axis
When I am negative, you are positive
When I am positive, you are negative
In many ways we are opposite

But then I come across to that point
Whenever I lose my way and my hope
You still tried your best to reach out
There’s still way and only route

Yes there is only way we could do
The only point where both of us can be true
The only thing that connects us too
Come on, let’s meet at zero.

The Blind Side

9787067c4ae954e129306826618cc257

…I thought I have learned a lot already
I thought I know that I am prepared and ready
I really thought that I am great
But then I realize that I have less of the things I ate

…It’s hard to cope up, it’s really a bulk of knowledge
Feels like I am a bird inside a cage
I need to get out and fly like what others do
I want to see things and experience new

…I never see those things before
I never knew that it’s hard to count from one to four
It’s hard to unlearn and hard to relearn
But I have to keep going and learn as much as I can

…I want to see my own spectrum
I know there’s still a lot to learn in this room
I don’t want to be scared and just hide
I need to conquer my fears and discover my blind side.

Isa at Kalahating Hakbang ng Pag-asa

lady

Mabigat na ang kanyang mga mata,
Bagsak ang balikat at tangan na espada
Luha ay pilit na pinipigil sa pagpatak
Katawa’y pinipigilan na bumagsak;

Pagal na katawan ay nais nang ipahinga
Tumakas sa mundo at sa alon ay magpadala
Kelan ba matatapos ang kanyang pakikipagdigma
Katahimikan ng puso at isip, saan makikita.

Saan..saan..titingin na lamang sa kawalan
Saan sya dadalhin ng maingay na katahimikan
Nais na sumigaw, tumakbo at umiyak
Ngunit saan sya dadalhin ng kanyang mga yapak

Lakad, takbo, iyak..si Maria ay pagod na
Huminto sandali at tumingin sa kanyang mga paa
Isang hakbang at kalahati ng pag asa
Baka bukas lahat ng ito ay tapos na.